Akapulko

Scientific name: Cassia Alata



I. Gamot sa kati sa balat o herpes, buni, singaw ng sanggol sa balat.

Paraan:
a) Kumuha ng pitong (7) dahon, dikdikin at lagyan ng konting asin. Ipahid sa parteng apektado.

b) Linisin ang parteng may singaw ng sanggol, ipahid ang katas nito. Ulit-ulitin hanggang sa gumaling at mawala ang mga ito.

II. Gamot sa mga bulate

Paraan:
Magsangag ng 1/2 tasang buto (tuyo), dikdikin ng pino at lagyan ng 1/2 tasang tubig o gatas para sa mga bata.

Mga edad na 7-9 na taon: 1/4 tsp. dalawang oras pagkatapos kumain

Mga edad na 10-12 na taon: 1/2 tsp. dalawang oras pagkatapos kumain

Mga matatanda: 1 tbsp. dalawang oras pagkatapos kumain

Pagkatapos ng isang linggo ulitin ito kung kailangan.
Share on Google Plus
    Blogger Comment
    Facebook Comment

2 comments :

  1. Paki uplod po ng iba pang picture dito. Hindi ko madetalye ang itsura ng akapulko. Hindi ko alam ang itsura nyan

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat!

    ReplyDelete

Total Pageviews