Scientific name: Averrhoa carambola L.
Ang balimbing ay isang uri ng prutas na kilala rin bilang star fruit dahil nagiging hugis bituin ang hiwa nito kapag pinutol nang pahalang.
Ang balimbing ay isang uri ng prutas na mayaman sa bitamina C. Ang dahon naman nito ay ginagamit na pomento (kung walang yelo) sa may lagnat.
Mga katangian ng balimbing:
- Kulay berde kapag hilaw at dilaw kapag hinog.
- May matamis-maasim na lasa.
- Mayaman sa bitamina C at antioxidants.
- Karaniwang kinakain nang sariwa o ginagawang juice, salad, at jam.
Karaniwang gamit bilang halamang gamot:
- Prutas – kinakain o ginagawang katas upang makatulong sa pagdagdag ng bitamina C at hydration.
- Dahon – dinidikdik at ipinapahid sa balat para sa pangangati o kagat ng insekto sa ilang tradisyunal na praktis.
- Pinakuluang dahon – ginagamit bilang panghugas o pampaligo para sa ilang problema sa balat.
Paraan: Magtadtad ng dahon ng balimbing (2 tasa), lagyan ng 1 tabong tubig. Pakuluan ng 10 minuto, salain at ipamunas sa taong may lagnat.

Other medicinal preparations? How about the fruit?
ReplyDeleteHindi ko alam to ah? may puno kami ng balimbing sa bahay at ngayon ko lang nalaman na nakakagamot pla ang dahon nito :D salamat :) Sakit.info
ReplyDelete