Bawang

Scientific name: Allium sativum Linn


Mabuting gamot sa altapresyon o highblood, rayuma, ubo, sipon at mga baradong ugat, buni at masakit na ngipin.

Paraan:
a) Para sa may sakit sa puso at baradong ugat, kumain ng sariwang bawang. Pwedeng ilagay sa sawsawan tuwing kumakain, mapapansin ang pagdighay ng ilang beses. Patunay lang na nawawala ang baradong ugat o hangin sa loob ng katawan. Ang rayuma, ubo at sipon ay kasamang mawawala. Puwedeng isama ang dinikdik na bawang sa pulot o honey o kainin ng sariwa, nguyain.

b) Buni - kumuha ng 1 pirasong bawang, balatan at dikdikin. Ikuskos sa parteng may buni hanggang mamula ito. Gawin ito ng 2 beses maghapon.

c) Sakit sa ngipin- hiwain ang bawang na wala ng balat, kasinlaki ng butas ng ngipin at ipasak. Gawin ng 3 beses maghapon.

d) Rayuma - ipahid ang dinikdik na bawang sa rayuma.
Share on Google Plus
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments :

Post a Comment

Total Pageviews