Philippine medicinal plants and herbs used as alternative medicine in the Philippines.
Bayabas
Ang dahon ng bayabas ang pangunahing gamot sa sakit ng tiyan, noong una pa man. Ang murang dahon naman nito ay ginagawang panglanggas sa mga bagong tuli na karaniwang maririnig sa probinsiya. Pinanlalanggas din sa sugat, sa pagkawala ng malay, pagtatae at mga namamagang gilagid at bibig.
Paraan:
a) Sakit ng tiyan o nagtatae - kumuha ng 10 pirasong dahon, lagyan ng 2 tasang tubig at pakuluan.
Bata (sanggol) = 1/2 tsp. 3 times a day
2-6 taon = 1/4 cup 3 times a day
7-12 taon = 1/2 cup 3 times a day
matanda = 1 cup 3 times a day
b) Tuli - ipanlanggas ang pinakuluang dahon ng bayabas.
c) Pagkawala ng malay - lamukusin ang mga murang dahon at singhutin, ipaamoy, ilagay sa tapat ng ilong.
d) mga namamagang gilagid at bibig - kumuha ng 1 tasang tinadtad na murang dahon ng bayabas. Lagyan ng 2 tasang tubig at pakuluan, ipangmumog o ipanglinis ng bibig pagkatapos kumain.
effective ba talaga ung dahon ng bayabas sa namamagang gums ? ayoko kase uminom ng gamot kc buntis ako ..
ReplyDeletePwd ba to sa amoebiasis?
ReplyDelete